Higit 11,000 kaso ng Covid-19, naitala ng DOH; Higit 22,000 recoveries, naitala rin ngayong araw

Nakapagtala ng 11,010 bagong kaso ng Covid-19 ang Department of Health ngayong araw.

Sa kabuuan, umabot na sa 2,654,450 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa bilang na ito, 106,558 ang aktibong kaso.

May 22,529 naitalang bagong gumaling, kaya naman umabot na sa 2,508,387 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa Covid-19 dito sa bansa.

May 273 namang naiulat na nasawi, kaya umabot na sa 39,505 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: