Higit 160 pulis, nakarekober sa Covid-19

Nakapagtala ng 169 bagong mga gumaling sa Covid-19 sa hanay ng Pambansang Pulisya.

Dahil dito, ayon sa datos ng PNP Health Service, umakyat na sa 16,204 ang recovery cases sa kanilang hanay.

Gayunman, nakapagtala rin ng karagdagang 125 kaso ng Covid-19 ang PNP.

Dahil dito, umakyat na sa 18,531 ang kabuuang kaso pero nasa 2,276 lamang ang aktibong kaso.

May dalawa ring karagdagang mga pumanaw kaya nasa 51 na ang death toll sa PNP dahil sa virus infection.

Please follow and like us: