Higit 2-M halaga ng smuggled cigarettes, nasabat sa Davao city

Nasa kabuuang 2.1 milyong pisong halaga ng smuggled cigarettes ang nasabat sa Barangay Sirawan checkpoint ng Toril district.

Ayon sa Task Force Davao (TFD), naharang ng Davao City Police Office (DCPO) ang isang closed delivery truck pasado alas-2:00 ng madaling-araw kanina na may lulan na 4,250 reams ng sigarilyo at naka-pack sa 85 na kahon.

Nakilala ng TFD ang mga suspect na sina Romel Penetrante, 43, at Robert Penetrante, 25, pawang mga residente ng Barangay Sasa.

Samantala, arestado rin ng TFD ang isang Oliver Opias, 32 anyos at residente ng Barangay Tibungco dahil sa pagtataglay ng iligal na droga.

Siya ay nadakip sa Barangay Lasang checkpoint, Bunawan District.

Nakasakay si Opias sa pampasaherong bus matapos mahulihan ng shabu na nagkakahalaga ng P1,440.

Ayon kay Col. Darren Comia, TFD commander, ang pagkakadakip sa mga suspect ay dahil sa mas pinaigting na checkpoint operations sa lahat ng border control points sa lungsod.

Please follow and like us: