Higit 2 milyong halaga ng shabu, nasabat sa 3 suspect sa Bukidnon

Arestado ang 3 katao ng mga operatiba ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency sa anti-drug operation sa Bukidnon.

Aabot sa 2,040,000 halaga ng iligal na droga o hindi bababa sa 300 gramo ng shabu ang nakuha sa mga suspect na kinilalang sina Jabir Dacula Mandok alias Bam, 19-anyos at isang construction worker; Jucair Mandok alias Joker, 30-anyos at isang magsasaka na itinuturing na Top 2 drug watchlist municipal level at Top 10 drug watchlist provincial level; at si Sittie Mandok, 28 -anyos.

Ayon kay Police Brigadier General Remus Medina, PNP Drug Enforcement Group (PDEG) Director, isinagawa ang operasyon sa Poblacion West, Kalilangan, Bukidnon.

Nasa kustodiya na ng PNP-DEG Special Operation Unit BAR Office ang mga suspect at mga narekober na ebidensya at nahaharap sa mga kaukulang kaso.

Photo from PNP

Please follow and like us: