P3.4-M halaga ng shabu, nasabat sa Parañaque City; 4 suspek, arestado

Halos nasa 500 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3,400,000 ang nasabat mula sa apat na suspect sa isinagawang buy-bust operation sa harap ng isang botika sa Quirino Avenue, Barangay San Dionisio, Parañaque City.

Nakilala ang mga suspek na sina JC Andre Beltran, John Robert Beltran kapwa residente ng CMA 10 Aquino Ave.,Liza Mamaluba ng La Huerta, Parañaque City at Fajad Malik Sarip ng VP Cruz P. Lower Bicutan.

Ang anti-drug operation ay pinagtulungang isagawa ng 3rd Special Operations Unit PNP Maritime Group sa ilalim ng direktiba ni Unit Commander Police Lt. Colonel Eufronio Morera Jr. at ng mga tauhan ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA).

Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga suspect at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 ng Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.

Ronald Nery

Please follow and like us: