Higit 600 PDLs sa Bilibid, lumaya ngayong Enero

Kabuuang 632 persons Deprived Of Liberty (PDLs) mula sa New Bilibid Prison (NBP) at iba pang kulungan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang lumaya ngayong Enero.

PDLs Releases January 2024

NBP – 356 CIW-61

SPPF – 16 IPPF – 23

LRP – 27 SRPPF – 43

DPPF – 105 CIW- IPPF- 1

TOTAL : 632

Pinakamarami ay mula sa NBP na mahigit 300.

Kabilang dito ang 54 na inmates na lumaya ngayong Martes mula sa Bilibid at iba pang Penal Colonies.

Sinabi ni BuCor Director General Gregorio Catapang Jr. na marami pang inmates ang pinuproseso na rin ang mga papeles para makalaya sa mga susunod na buwan.

Ayon naman kay Justice Undersecretary Deo Marco, posibleng ngayong taon ay matapos ang digitization ng prison records na makatutulong para mapabilis ang pagproseso sa paglaya ng PDLs na natapos nang mapagsilbihan ang sentensiya.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *