Higit 600,000 piso ng shabu, nasabat sa Taytay, Rizal
Arestado ng mga operatiba ng Calabarzon Regional Drug enforcement unit ang isang babae matapos na mahulihan ng bulto-bultong shabu sa C-6 Road Lupang Arenda Brgy. Sta Ana, Taytay Rizal kagabi.
Nakilala ang drug suspect na si Marlyn Villaruel, 40-anyos.
Matagal ng minomonitor ng mga otoridad ang suspect dahil sa ginagawa nitong pagbebenta ng shabu sa mga karatig lugar sa Taytay.
Ayon kay Calabarzon Regional Director Guillermo Eleazar dati na anilang nakulong ang suspect sa kaparehong paglabag at ng makalabas ito sa kulungan kaparehong gawain na naman ang ginagawa ng suspect.
Todo tanggi naman ang suspect na sa kanya ang mga nasabing droga anila pinadala lamang ang mga ito sa kanya at hindi niya alam na droga ang nilalaman nito.
Narekober sa suspect ang isang malaking plastic sachet ng shabu na aabot sa higit limampung gramo na nagkakahalaga ng 608,000 pesos.
Samantala, nakatakda namang makulong at makasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspect.
Ulat ni Earlo Bringas