Mga nakarekober sa bansa mula sa Covid-19, mahigit na sa isang milyon

Pumalo na sa 1,003,160 ang bilang ng mga naitalang nakarekober sa bansa mula sa COVID 19.

Sa datos ng Department of Health ngayong araw may 4,227 bagong iniulat na gumaling mula sa sakit.

Ayon sa DOH, sa ngayon ay umabot na sa 1,087, 885 ang kabuuang bilang ng COVID 19 cases na naitala sa bansa.

Ito ay matapos may maitalang 7,733 na bagong kaso.

Sa bilang na ito, 66,626 naman ang aktibong kaso.

May 108 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon, umabot na sa 18 099 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: