Higit 8,000 bagong mga nakarekober sa Covid-19, naitala ng DOH

Nakapagtala ang Department of Health ng 6,955 na bagong kaso ng COVID 19 sa bansa.

Dahil rito, pumalo na sa 1,262,273 ng kabuuang kaso ng COVID 19 sa bansa.

Sa bilang na ito, 59,543 naman ang aktibong kaso.

Samantala, may 8,109 naitalang bagong gumaling mula sa COVID 19.

Sa ngayon, umabot na sa 1,180,998 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa virus.

May 195 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon, umabot na sa 21,732 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: