Hinihinalang bigtime pusher, huli sa ng Caloocan police

Nahuli ng Caloocan police ang isang hinihinalang bigtime drug pusher sa Kaagapay Road, Barangay 188, Caloocan City.

Nakilala ang suspek na si Arnold Flores Amora alyas “Pakyaw,” na target sa ikinasang buy bust operation ngayong Lunes.

Nakuha sa susoek ang umano’y 75 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng 510,000.00 pesos.

Sinabi ni Pol. Col. Samuel Mina, Jr. na isang mapagkakatiwalaang source ang nagtimbre sa kanila tungkol sa iligal na gawain ng suspek.

Kaugnay nito ay isang linggong surveillance ang ikinasa ng PNP, at nang makumpirma ay agad na isinagawa ang buy-bust operation.

Gamit ang 30 pirasong pekeng tig isang libong piso, kinagat ng suspek ang pain ng nakipagtransaksyon na nakasibllyang pulis.

Ulat ni Edison Domingo, Jr.

Please follow and like us: