Albay Congressman Joey Salceda bukas sa balitang itatalaga siya ni PBBM na Finance Secretary

Hangga’t walang inilalabas na Appointment paper si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nananatiling espekulasyon ang ulat na magiging bagong Finance Secretary si Albay Congressman Joey Salceda Chairman ng House Committee on Ways and Means.

Ito ang inihayag ni Congressman Salceda bilang tugon sa report na papalitan niya sa puwesto si Finance Secretary Benjamin Diokno.

Ayon kay Salceda hindi niya ugali na manulot ng posisyon sa gobyerno.

Magkagayunman ipinagmalaki ni Salceda bilang isang economic expert ang kanyang nagawang mga batas na may kaugnayan sa pagpapataas ng financial collections ng pamahalaan mula pa sa administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo hanggang kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *