House Speaker Gloria Arroyo, umapila sa mga taga-Sulu na huwag mawalan ng pag-asa sa gobyerno

 

Nanawagan si House Speaker Gloria Arroyo sa mga taga-Sulu na huwag mawalan ng pag-asa sa pamahalaan.

Ito ay kasunod ng pagsabog sa cathedral ng simbahang Katoliko sa Sulu.

Apila ni Arroyo na kumapit at huwag mawalan ng loob sa nangyaring pagsabog dahil tiyak naman gagawin ng pamahalaan ang lahat para maiayos at mapanagot ang nasa likod nito.

Sinabi pa ni Arroyo na titingnan nila sa Kongreso kung anong pwedeng magawa at maitulong sa mga biktima ng madugong insidente.

Hinikayat naman ni PBA partylist representative at Sulu caretaker Congressman Jericho Nograles ang mga otoridad na bilisan ang pagbibigay hustisya sa mga taga-Sulu.

Tiwala naman si Nograles na lalong ipupursige ng gobyerno ang pagdurog sa mga terorista sa Sulu matapos ang insidente.

 

Ulat ni Madz Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *