Huling bangkay mula sa MV Lady Joy 3, narekober ng PCG

Isang bangkay ang natagpuan ng Philippine Coast Guard (PCG) at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa karagatang sakop ng Barangay Sulutan Matangal, Hadji Mohammad Ajul, sa Basilan.

Ayon sa PCG, kinuha na ng MDRRMO ang bangkay para matukoy ang pagkakakilanlan nito.

Inaalam pa ng mga otoridad kung ang nasabing bangkay ay ang huling nawawalang pasahero ng nasunog na MV Lady Mary Joy 3.

photo: PCG

Sa datos ng PCG, may 216 ang survivors mula sa nasabing insidente; 32 ang nasawi at 1 ang nawawala.

Sa bilang ng mga nasawi, 15 ang narekober sa karagatan samantalang 17 naman ang sakay ng nasunog na barko.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *