Iba pang crew na sakay ng MT Clyde, muling isasailalim sa RT-PCR test

Muling isasailalim sa RT PCR test ang iba pang crew na sakay ng MT Clyde.

Ito ay matapos magpositibo sa COVID-19 ang 12 sa kanilang crew.

Ayon sa Philippine Coast Guard, batay sa pahayag ni Captain Francisco Vargas, master ng MT CLYDE, nananatiling normal ang kanilang body temperature.

Wala rin umano silang nararamdamang sintomas ng COVID 19.

Sa larawan mula sa Coast Guard Station sa Albay, makikita na kumakaway pa ang isa sa mga tripulante habang ang ibang crew naman ay lumabas pa nang kamustahin sila ng PCG maritime security and monitoring team.

Habang hinihintay naman ang resulta ng kanilang swab test, mananatili parin muna sila sa MT Clyde.

Ang My Clyde at barge na Claudia ay naka angkla isang kilometro mula sa Lidong Port, Sto. Domingo, Albay.

Tiniyak naman ng PCG, katuwang ang iba pang ahensya ng pamahalaan na maibibigay ang lahat ng pangangailanganng mga tripulante para sa kanilang seguridad at kaligtasan.

Madz Moratillo

Please follow and like us: