Iba’t ibang grupo ng operators at drivers ng jeep, nag-rally vs jeepney phase-out

Nagtipon-tipon sa bahagi ng Elliptical Road sa Quezon City ang iba’t ibang grupo ng mga operator at driver ng mga jeep.

Ito ay bilang bahagi ng kanilang caravan bunsod ng pagtutol sa phaseout sa mga lumang jeep.

Bitbit ang naglalakihang streamers, nagsama-sama sa elliptical road ang mga driver at operator na nakatakda ring magtungo sa Mendiola.

Anila, ang itsura ng jeep ay orihinal na disenyo ng Pinoy kaya maituturing itong National treasure.

Habang ang mga panukalang bagong jeep o mga e-jeepneys ay disenyo anila ng mga dayuhan.

Una nang sinabi ng grupong Piston na hindi transport strike ang kanilang isasagawa kundi transport caravan lamang.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *