Iba’t-ibang media professional at journalists sa Asean region, dadaluhan ang 19th General Assembly of the confederation of Asean Journalists

 

Isasagawa sa Biyernes sa Thailand ang 19th General Assembly of the Confederation of Asean Journalists o CAJ.

Pangungunahan ang nasabing conference ng Confederation of Thai Journalists o CTJ at dadaluhan rin ng iba’t-ibang media professionals at mga journalist sa Asean region.

Ayon kay Thepchai Yong, CTJ President, malaki ang bahagi at ginagampanan ng mga nasa hanay ng media lalu na sa paglikha ng maganda at mahusay na pagkakaunawaan at pakikipag-ugnayan sa mga bansa sa Asean region.

Posibleng matalakay sa gaganaping pagpupulong ang mga hakbang ng CAJ para mas lalu pang mapatibay at mapabuti ang kooperasyon pagdating sa fast-changing media landscape at digital challenges maging ang mga bagong hamon na kakaharapin pa ng nasa hanay ng journalist at media.

Ang confederation of Asean journalists o CAJ ay isa sa mga pinakamatanda at aktibong media organization sa Asean region na naitatag noong 1975.

 

Ulat ni Jet Hilario

 

=== end ===

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *