Iba’t-ibang uri ng baril, nasabat sa umano’y mga gun runner sa Northern Samar

Iba’t ibang uri ng baril ang nasabat ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Coast Guard at Philippine National Police sa mga pinaghihinalaang gun runner sa Allen Port sa Northern Samar.

Ayon sa PCG, isinagawa ng Coast Guard station sa Northern Samar at ng PNP ang joint operations matapos makatanggap ng intel report na isang Toyota Vios na may plate number na DAJ 1155 kung saan sakay ang isang Roger Lumagan alyas Kamandag Lumagan kasama ang 2 pa katao.

Ang sasakyan ng mga suspek sakay ng ro-ro mula sa Taguig City, Metro Manila at pinaniniwalaang patungong Datu Piang, Maguindanao kung saan umano ibebenta sana ang mga ito.

Pagdating sa Allen Port nakaabang na ang mga tauhan ng PCG at PNP kung saan nakita sa sasakyan ng mga suspek ang mahigit 30 magkakaibang uri ng baril.

Ang mga baril ay itinago sa tire compartment ng kotse at side doors nito.

Madz Moratillo

Please follow and like us: