Ika-18 field hospital , binuksan na ng PRC

Binuksan na ng Philippine Red Cross ang ika- labing walong field hospital na itinayo sa compound ng Lung Center of the Philippines.

Bunsod ito ng kakulangan ng sapat na pasilidad para sa mga pasyente lalo na ang mga nagpopositibo sa COVID- 1.

Ang field hospital ay may animnaput apat na bed capacity na may sapat na equipment gaya ng oxygen tanks, ecg machine, ppv at intubation machine.

Para ito sa mga may mild at severe cases.

Sinabi ni Senador Richard Gordon na ang magsisilbing ward extension, nurse station at xray area para maagapan ang mga pasyente at mas maraming buhay pa ang mailigtas

Meanne Corvera

Please follow and like us: