Ikalawang dose ng bakuna, sinimulan nang ibigay sa Diffun, Quirino

Pansamantalang sinuspinde ng Diffun Municipal Health Office ang COVID-19 vaccination sa mga magpapabakuna ng unang dose, upang bigyang daan ang pagbibigay ng 2nd dose vaccines sa mga nauna nang nabakunahan sa bayan ng Diffun sa Quirino province.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang 22% ng total eligible target population o katumbas na 1,688 mula sa 7,678 katao, ang nabakunahan mula sa categories A1 to A3 o yaong nagmula sa kategorya ng frontliners, senior citizens at mga mamamayan na mayroong comorbidity.

Inaasahang magpapatuloy ang pagbabakuna ng 2nd dose hanggang sa Hunyo ng taong kasalukuyan.

Ulat ni Edel Allas

Please follow and like us: