Ilan pang korte sa bansa, pisikal na sarado hanggang sa ikatlong linggo ng Mayo bilang pagiingat sa COVID-19

Naka-lockdown ang ilang hukuman sa bansa na wala sa MECQ areas hanggang sa ikatlong linggo ng Mayo bilang pag-iingat pa rin sa COVID-19.

Sa abiso ng Korte Suprema, sarado hanggang Mayo 19 ang hall of justice at Municipal Trial Court in Cities ng Palayan City, Nueva Ecija.

Pisikal na sarado rin ang Zamboanga City RTC Branch 17 hanggang sa Mayo 18 o hanggang sa lumabas ang negatibong COVID test results ng mga kawani.

Hanggang Mayo 17 naman ang lockdown sa Agdangan- Padre Burgos, Quezon Municipal Circuit Trial Court, at Zamboanga City MTCC Branch 3 o hanggang sa lumabas din ang negatibong resulta ng COVID test.

Makikita ng publiko ang quarantine status ng mga trial courts sa bansa sa website ng Korte Suprema.

Pwedeng ma-contact sa kanilang email addresses at hotlines ang mga naka-lockdown na hukuman.

Moira Encina

Please follow and like us: