Ilang bagong opisyal, nanumpa sa harap ni PBBM

Nanumpa sa harap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malacañang ang ilan sa mga bagong talagang opisyal ng pamahalaan.

Kabilang sa mga ito sina Margarita Guttierez bilang Undersecretary sa Department of Interior and Local Government (DILG) at Jonathan Tan bilang Chairman at Board of Directors Administrator ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

Nanumpa rin sa kaniyang tungkulin si Amable Aguiluz V bilang Special Envoy for Trade and Investments ng Pilipinas sa Japan.

Isinagawa ang panunumpa sa isang seremonya sa Malacañang nitong Miyerkules, Mayo 17, 2023.

Weng dela Fuente

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *