Ilang biyahe ng sasakyang pandagat kanselado ngayong araw dahil sa gale warning

Dahil sa sama ng panahon at malakas na alon, suspendido ang ilang biyahe ng sasakyang pandagat sa Visayas at maging sa Batangas.

Ayon sa Philippine Ports Authority, suspendido ang biyahe ng Supercat at ferry na may biyaheng Ormoc – Cebu City, Cebu to Palompon at vice versa at maging biyahe ng mga bangka na patungong Ubay, Bohol papuntang Hilongos, Leyte at vice versa.

Suspendido rin ang biyahe mula Larena patungong Tagbilaran at biyahe ng ferry mula Siquijor patungong Dumaguete.

Kanselado rin ang biyahe mula Coron patungong El Nido, San Pascual, Masbate to Pasacao Camarines Sur at lahat ng RoRo patungong Pasacao port.

Suspendido rin ang biyahe ng Supercat at Ocean Jet shipping line sa Batangas Port.

Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *