Ilang biyahe sa PITX, lilimitahan bukas

Ilang biyahe sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ang lilimitahan at kakanselahin bukas araw ng Biyernes, Abril 15.

Kaugnay nito, nagpaalala rin ang PITX sa mga biyahero na nagpaplanong umuwi ng mga lalawigan na tiyaking makabiyahe sila hanggang ngayong araw ng Huwebes.

Sa ngayon ay dagsa pa rin ang mga pasahero sa terminal na nagmamadaling makauwi sa ibat ibang lalawigan para sa mahabang bakasyon.

Please follow and like us: