Ilang flights ng Cebu Pacific kinansela dahil sa masamang lagay ng panahon – MIAA

Ilang flights na ang kinansela dahil sa masamang lagay ng panahon  dulot ng hanging habagat.

Nakasaad sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kinansela ang flights ng Cebu Pacific na biyaheng Manila – Puerto Princesa – Manila at Manila – Legazpi – Manila.

Nabatid na mula pa kaninang madaling araw ay nakapagtala na ng matinding buhos ng ulan sa malaking parte ng bansa.

Payo naman ng MIAA, agad makipag-ugnayan sa mga airline company ang mga apektadong pasahero para sa rebooking o refund.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *