Ilang hukuman mananatiling sarado hanggang sa unang linggo ng Hunyo

Nag-abiso ang Korte Suprema sa pisikal na pagsasara ng ilang hukuman hanggang sa unang linggo ng Hunyo bilang pag-iingat pa rin sa pagkalat ng COVID-19.

Ayon sa Supreme Court Public Information Office, naka-lockdown hanggang June 3 ang Butuan City RTC Branch 3 at Antipolo City, Rizal RTC Branch 73.

Hanggang June 4 naman ang physical closure ng Prosperidad, Agusan del Sur RTC Branch 6 o hanggang kailan lumabas ang negatibong COVID-19 test results ng mga kawani alinman ang mauna.

Sarado rin hanggang sa June 4 ang Vigan City, Ilocos Sur RTC- Office of the Clerk of Court at Branches 20 at 21, at ang MTCC.

Operational pa rin ang mga nasabing korte sa pamamagitan ng kanilang opisyal na email addresses at hotlines.

Maaaring makita ng court users ang quarantine status ng mga hukuman sa website ng Korte Suprema.

Moira Encina

Please follow and like us: