Ilang kalsada sa CAR, sarado dahil sa landslides

May ilang kalsada sa Cordillera Administrative Region ang sarado muna sa mga motorista dahil sa gumuhong lupa dulot ng bagyong Henry.

Ayon sa Department of Public Works and Highways, sarado muna ang Kennon Road for safety reasons.

Pwede namang dumaan muna ang mga motorista na papunta ng Baguio City sa Marcos Highway, Baguio – Bauang Road, o Asin – Nangalisan – San Pascual Road.

Ang bahagi ng Apayao – Ilocos Norte Road, sa Madatag, Kabugao, Apayao sarado rin muna dahil sa landslide.

Sa ngayon ay patuloy ang clearing operation ng Quick Response Teams ng DPWH.

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us: