Ilang korte sa bansa, pisikal na sarado hanggang sa Mayo 26

Ilan pang hukuman ang nag-anunsyo ng pisikal na pagsasara hanggang sa Mayo 26 bilang pag-iingat sa COVID-19.

Sa abiso ng Supreme Court Public Information Office, naka-lockdown hanggang May 26 ang San Fernando City, La Union MTCC Branch 2 at ang San Fernando, Pampanga RTC Branch 48.

Hanggang May 25 naman ang physical closure ng Cataingan, Masbate RTC Branch 49 habang hanggang May 23 ang Guinayangan, Quezon MTC Branch 6.

Ito ay para bigyang daan ang disinfection ng mga korte o tanggapan at ang quarantine o COVID testing ng mga kawani.

Makikita ng publiko ang quarantine status ng mga mababang korte sa bansa sa website ng Supreme Court.

Sa ngayon ay wala pang anunsyo ang Korte Suprema kaugnay sa panibagong work arrangements sa mga hukuman sa NCR Plus na isinailalim na sa GCQ with Heightened Restrictions mula sa dating MECQ.

Moira Encina

Please follow and like us: