Ilang korte sa mga lugar na apektado ng Bagyong Odette, suspendido ang pasok

Nag-anunsiyo ng suspensyon sa pasok sa trabaho ang ilang hukuman sa mga lugar na dadaanan ng Bagyong Odette.

Sa abiso ng Supreme Court Public Information Office, walang pasok ang mga korte at tanggapan sa Lapu-Lapu City Hall of Justice at ang Hall of Justice ng Argao, Cebu ngayong araw, Disyembre 16.

Gayundin, ang lahat ng court stations sa Danao City, Cebu, Mandaue City Hall of Justice at mga hukuman na nasa hurisdiksyon ng Mandaue Regional Trial Court at Ormoc City RTC.

Suspendido rin ang pasok hanggang bukas, Disyembre 17 sa Cebu City Hall of Justice, at first at second level courts at Office of the Clerk of Court ng Tagbilaran City, Bohol.

Moira Encina

Please follow and like us: