Ilang mga barangay sa Cavinti at Liliw Laguna mayroon nang Free Wifi Access sa tulong ng DICT

Inilunsad na ng Department of Information and Communication Technology (DICT) ang free wi-fi access nito sa ilang mga liblib na barangay at lugar sa Laguna. 
Ang nasabing programa ay alinsunod sa Free internet wifi access ng Pamahalaan.
Katuwang ng DICT sa programang ito ay ang mga LGU ng Cavinti, at Liliw laguna.

Layunin ng programang ito na makapagbigay ng libreng wifi connection sa publiko at magkaroon ng internet access ang mga mamamayan. 
Kabilang sa mga lugar sa Cavinti at Liliw  na  makikinabang sa free wifi ay ang mga barangay ng Paowin, Cansuso, East Talaongan, Bayate, at Tuy-Baanan.

Please follow and like us: