Ilang mga lugar sa Antique nananatiling lubog sa tubig baha matapos na manalasa ang Bagyong Quinta

Nananatiling lubog sa tubig baha ang ilang mga bayan sa Antique dahil sa ulan na dala ng Bagyong Quinta sa bansa. 


Marami sa mga residente ang nananatili pa rin sa mga evacuation center dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig sa mga ilog sa kanilang lugar.


Samantala’y nagkaroon din ng pagguho ng lupa sa bayan ng Tibao, Antique na naging dahilan kung kaya hindi na madaanan ng mga motorista ang kalsada sa Barangay Salazar. 

Ulat ni Klint Calimpong

Please follow and like us: