Ilang onion farmers nag harvest na ng sibuyas para maibenta pa ng mas mahal

Ilang magsasaka ng sibuyas ang napipilitang mag- ani ng mas maaga ng tanim na sibuyas para maibenta pa ng mahal.

120 days sana o sa kalagitnaan pa ng Pebrero  ang nakatakdang pag- aani ng sibuyas ng mga magsasaka pero ilang onion farmers  sa Bongabon Nueva ecija ang nag- ani na ng sibuyas.

Yan ay para maibenta pa nila ng mas mahal ang sibuyas na aabot sa 250 pesos kada kilo na kasalukuyang farmgate price.

Ayaw daw  nilang maulit ang nangyari noong Mayo ng nakaraang taon kung saan marami sa mga magsasaka napilitang itapon ang aning sibuyas dahil sa napakababang farmgate price.

Ayon sa ilang magsasaka  noong Mayo umabot lang sa 15 hanggang 16 pesos ang farmgate price ng sibuyas.

Kung ibebenta ito sa  traders mas mura,  kaya ang marami sa kanila nalugi.

Wala raw silang magagawa dahil wala naman silang storage facilities para i imbak kahit isa o dalawang buwan ang sibuyas.

Umapila sila sa gobyerno na itigil na ang importasyon ng sibuyas dahil nakakasama ito sa kabuhayan ng mga magsasaka.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *