Ilang pasahero pa- Bicol hirap na sa pagbili ng bus ticket sa PITX

Patuloy ang pagdating ng mga pasaherong papauwi sa kani-kanilang probinsya sa Parañaque Integrated Terminal Exchange ( PITX) ilang araw bago ang holiday season.

Ika-11 ng umaga nitong Huwebes ay umabot na sa 48,405 ang mga naitalang pasahero sa PITX.

Partikular na mahaba ang pila ng mga tao sa ticketing booth pa- Bicol.

Nahirapan na umano ang Ilan sa mga pasahero na biyaheng Bicol na makabili ng ticket dahil sa fully booked na.

Tiniyak naman ng ticket sellers at bus companies pa- Bicol na may ekstrang bus sila na paparating dahil inaasahan na nila ang dagsa ng mga pasahero tuwing holiday season.

Nabatid na mula Linggo hanggang Miyerkules,ang pinakamaraming naitalang pasahero sa PITX noong Lunes, December 19 na nasa 149,000.

(SOT; DANTE ALBERTO, TICKET SELLER/ BUS OPERATOR

“Inaadvise namin sila na agahan nila ang pagpunta rito kahit papaano makakuha ticket po”)

Mula Linggo hanggang Miyerkules, pinakamaraming naitalang pasahero sa PITX noong Lunes, December 19 na nasa 149,000.

Mas mataas na ito sa mahigit 125,000 pasahero na pinakamalaking naiulat sa PITX noong December 24 at December 25, 2021.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *