Ilang retiradong opisyal ng militar at pulisya, suportado si BBM

Nagpahayag ng suporta ang mga dating opisyal ng militar at pulisya sa kandidatura ni dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa presidential elections sa Mayo 9.

Tiwala ang mga retiradong opisyal na si Marcos ang pinakamahusay na kandidato na makapagpapatupad ng mga tunay na reporma at national healing at unity.

Gayundin, si Marcos din anila ang totoong makapagbibigay ng suporta sa karamihan ng mga Pinoy na nangangailangan ng serbisyo ng pamahalaan.

Kumpiyansa din sila na pangangalagaan ni Marcos ang taumbayan, ang mga sundalo at pulis at kanilang mga pamilya, at mapanunumbalik ang pagiging makabayan.

Tiniyak ng grupo na kung si Marcos ang mahalal na pangulo ay susuportahan nila ito para sa pagkakaisa, kapayapaan, at kaunlaran.

Ilan sa mga lumagda sa manifesto of support sina retired generals Roy Cimatu, Benjamin Defensor Jr., Avelino Razon Jr., Dionisio Santiago, at Filemon Santos, at retired admirals Damian Carlos at Danilo Abinoja.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us: