Ilang suspect sa Rent-Sangla Scheme , isinailalim na sa lookout bulletin ng DOJ

bid

Isinailalim na sa immigration lookout bulletin list ng doj ang ilan pang suspek sa rent -tangay modus.

Ang mga ito ay sina Ana Pamplona Borlon, Lea Constantino Rosales at Rafaela M. Anunciacion.

Sa Lookout Bulletin Order na inisyu ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, inaatasan ang lahat ng mga Immigration Officers na makipag-ugnayan agad sa Office of the Secretary ng DOJ kapag nagtangkang umalis sa bansa ang mga nasabing indibidwal.

Dapat istriktong gampanan ng mga opisyal ng BI ang kanilang gampanin para hindi na muling matakasan ng mga nasa LBO.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng NBI sa ‘rent sangla’ scam na  daan-daan ang mga naging biktima.

Una nang inilagay sa LBO noong Biyernes ang pangunahing suspek sa scam na si Tychicus Historillo Nambio.

Ulat ni : Moira Encina

Please follow and like us: