Iloilo city, isinailalim sa Modified ECQ simula ngayong araw hanggang katapusan ng Mayo

Isinailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Iloilo city effective immediately.

Batay sa inilabas na Executive Order 41-A, isinailalim sa nasabing Quarantine status ang lungsod hanggang 11:59 ng gabi ng May 31.

Simula din sa May 25, 2021, magpapatupad ng tigil-biyahe o Moratorium on Travel of Persons mula Negros Island patungong Iloilo city at pabalik.

Ito ay dahil sa tumataas na kaso ng Covid-19 sa lungsod.

Isasara rin pansamantala ang Iloilo City Hall simula May 24, 2021 para sa disinfection at isasailalim rin ang lahat ng empleyado sa RT-PCR testing.

Please follow and like us: