Iloilo Mayor Jed Mabilog sinabihan ni Pangulong Duterte na putulin na ang kaugnayan sa illegal drug trade

Diretsahang sinabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Iloilo City Mayor Jed Mabilog na putulin na ang pagiging protektor sa ilegal drug operations.

Sinabi ng Pangulo na maging sa bagong validated Narco list ng mga sangkot sa illegal na droga sa bansa ay nananatili ang pangalan ni Mayor Mabilog.

Ayon sa Pangulo dapat seryosohin ni Mayor Mabilog ang kanyang panawagan dahil baka ang kapalit nito ay ang kanyang buhay.

Inihayag ng Pangulo ang pagiging protekor sa operasyon ng ilegal na droga ay katumbas nito ay pagiging drug lord na rin.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos maghayag si Mayor Mabilog na makikipagtulungan siya kay incoming Iloilo City Chief of Police Chief Inspector Jovie Espenido.

Ulat ni: Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *