Imbestigasyon ng Senado sa ₱6.4B smuggling ng shabu sa BOC, ipinagpatuloy

Ipinagpapatuloy ngayon ng Senado ang imbestigasyon sa 6.4 billion smuggling ng shabu sa Bureau of Customs.

Pero hindi nakasipot sa pagdinig si Davao Councilor Small Abellera.

Si Abellera ang sinasabing matalik na kaibigan ni Vice Mayor Paolo Duterte na umano’y tumanggap ng limang milyong pisong tara o lagay mula sa broker na si Mark Ruben Taguba.

Sa kaniyang affidavit sinabi ni Abellera na wala siyang direktang impormasyon at hindi rin siya dawit sa shipment ng shabu mula sa China at wala siyang alam sa mga alegasyon ni Taguba.

Haharap siya kung muling magpapatawag ng hearing ang Blue Ribbon Committee sa susunod na linggo.

Ulat ni: Mean Corvera

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *