Indian Wells WTA title, nakuha ni Rybakina matapos talunin si Sabalenka

Elena Rybakina of Kazakhstan celebrates with the winners trophy after her win over Aryna Sabalenka in the final during the BNP Paribas Open on March 19, 2023 in Indian Wells, California.  (Getty Images via AFP)

Dinaig ng Wimbledon champion na si Elena Rybakina si Aryna Sabalenka sa score na 7-6 (13/11), upang makuha ang Indian Wells WTA title, at makabawi sa Belarusian na si Sabalenka na tumalo sa kanya sa Australian Open final.

Ang panalong ito ni Rybakina ng Kazakhstan, ang world number 10 na nagpatalsik sa top-ranked defending champion na si Iga Swiatek sa semi-finals, ay kasunod ng una niyang tagumpay laban sa second-ranked na si Sabalenka sa lima nilang paghaharap.

Bagama’t si Sabalenka ay nagkaroon ng kalamangan mula sa baseline sa isang mahirap na labanan, ang mabangis na mga serve ni Rybakina na umatake kay Sabalenka noong isang taon ay muling lumitaw.

Na-i-save ng Moscow-born Kazakh ang isang pares ng break points upang itulak ang kaniyang pangunguna sa 3-1 at, habang si Sabalenka ay nasa survival mode, isang backhand ang ibinalik ni Rybalika para sa isang break na naglagay sa kaniya sa 5-2 kalamangan.

Hindi man tumahimik si Sabalenka at nagbigay ng magandang laro, ay nagawa pa ring maipanalo ni Rybakina ang laban.

© Agence France-Presse

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *