Isa pang inmate na person of interest sa Percy Lapid killing, nasa kustodiya na ng NBI

Kinumpirma ng DOJ na isa pang person of interest sa pagpatay kay Percy Lapid ang nasa kustodiya na ng National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Mico Clavano, hawak na ng NBI ang nasabing person of interest na nagmula pa sa Palawan.

Aniya, ang indibiduwal na inilipat sa Maynila ay inmate sa Iwahig Prison and Penal Farm ng Bureau of Corrections (BuCor).

Sa hiwalay na panayam, sinabi ni BuCor OIC Gregorio Catapang Jr. na kabuuang 13 persons deprived of liberty (PDLs) na mula sa Bilibid at iba pang piitan ng ahensya ang nasa kustodiya ng mga otoridad.

Kasama na rito ang nasabing pinakahuling person of interest galing sa Palawan.

Inaasahan na kukunan rin ng testimonya ang nasabing PDL.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *