Isa pang Pinoy nasugatan sa rocket attack sa Libya

Isa pang Pinoy ang nasugatan sa panibagong pag atake sa Tripoli, Libya.

Ayon kay Charge d’ Affaires Elmer Cato, nasugatan ang Pinoy na hindi pa nito pinangalanan habang namatay ang kaniyang katrabahong Sudanese matapos hagisan ng mortar ang kanilang compound kahapon.

Ang Pinoy ay nagtratrabaho sa isang oil at gas service provider.

Dahil sa matinding takot, kinumpirma ni Cato na may mga Pinoy mula sa naturang kumpanya ang humingi ng tulong na makauwi ng Pilipinas.

Kabilang na rito si Enrique Guiao na nagtungo sa Embahada ng Pilipinas sa Libya kanina.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *