Isa sa mga suspek sa Sagay massacre, tukoy na

 

Tukoy na ang isa sa mga suspek sa massacre sa Sagay city, Negros Occidental.

Ayon kay Police Regional office 6 Director Chief Supt. John Bulalacao, isa rin sa mga residente ng nasabing barangay ang isa sa kanilang natukoy na suspek.

Dahil dito sinabi ni Bulalacao na mas naging matibay na ang anggulong may kinalaman sa krimen ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).

Naniniwala naman si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Carlito Galvez na ang nangyaring krimen ay bahagi ng planong destabilization plot ng rebeldeng grupo laban sa administrasyong Duterte.

 

=============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *