Isa sugatan sa nasunog na Manila Central Post Office

Mahigit walong oras tumagal ang sunog na tumupok sa buong gusali ng Manila Central Post Office.

Isa ang sugatan sa insidente, ang 43-anyos na stay-in staff na si Toto Roslin, na nagtamo ng minor laceration sa kaniyang kanang kamay.

Sinabi ng Bureau of Fire Protection (BFP) na umabot sa general alarm o pinakamataas na fire alarm level ang sunog.

Nagsimula ang sunog pasado alas-11:00 kagabi, May 21, at idineklarang fire under control alas-7:22 umaga ng Lunes, May 22.

Umabot ang sunog sa Task Force Delta Alarm bandang alas-5 ng umaga.

Sa inisyal na pagsisiyasat, sinabi ng mga bumbero na nagsimula ang sunog sa basement ng gusali kung saan naroon ang maintenance at storage room.

Imbakan din ang basement ng mga papel at wood materials.

Inaalam pa ng post office management ang mga napinsalang parcels at mga sulat sa loob ng gusali.

TL

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *