Isang babae, patay sa pamamaril sa Bicutan, Taguig City

 
Patay ang isang babae matapos barilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Brgy. Western Bicutan Taguig City kagabi.
Dead on the spot ang biktima na  nakasuot ng maong na pantalon at stripes na T-shirt.
Tama ng bala sa pisngi ang kumitil sa buhay ng babaeng biktima.
Ayon sa residenteng si Moises Adobas, nakarinig siya ng putok ng baril at natagpuang nakahiga na sa kalsada ang biktima.
Dahil dito, agad siyang pumunta sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya para humingi ng tulong.
Nakasabit pa sa biktima ang kanyang bag kung saan nakuha ang cellphone, pera at ilang dokumento.
Gayunman, hindi pa tukoy ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng biktima.
Posibleng napadaan lang ito sa lugar dahil wala ni isang residente ang nakakakilala sa biktima.
Nakuha sa crime scene ang isang basyo ng bala ng Kalibre .45 na baril.
Wala ring CCTV sa lugar at patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga otoridad ang nasabing insidente.
Ulat ni Paulo Macahilas
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *