Isang manufacturer ng COVID-19 vaccine nag-apply for Certificate of product registration sa FDA

Kinumpirma ng Department of Health na may isang manufacturer na ng Covid-19 vaccine ang nag apply na ng certificate of product registration sa Food and Drug Administration.

Ayon kay DOH-OIC Ma. Rosario Vergeire, ito ang Janssen ng kumpanyang Johnson and Johnson.

Sa ngayon, pinag-aaralan na aniya ng FDA ang aplikasyon ng Janssen.

Nilinaw rin ni Vergeire na wala pang nakararating na aplikasyon ang AstraZeneca sa FDA.

Kung mabibigyan ng CPR, puwedeng gamitin ang isang bakuna kahit wala na ang Emergency Use Authorization.

Ibig sabihin, magiging available na rin ito sa merkado.

Madelyn Villar Moratillo

Please follow and like us: