Isang motorbanca nasunog sa karagatan ng Bataan – PCG

Nasunog ang isang motorbanca sa karagatang sakop ng Brgy. Pag-asa sa Bagac, Bataan.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nagsasagawa ng beach monitoring ang kanilang mga tauhan ng makita ang nasusunog na MB Princess Joyce.

May sakay itong 9 na pasahero at 2 crew.

photo: PCG

Nailigtas naman ang lahat ng pasahero at crew ng bangka.

Patungo umano sa Barangay Banawang Cove ang bangka ng makitang hindi na sapat ang kanilang gasolina kaya nag-refuel sila na naging dahilan ng pagsisimula ng apoy.

Madz Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *