Isang tripulante patay matapos magpositibo sa Indian variant ng COVID-19

Nasawi na ang isa sa tripulante ng MV Athens Bridge na nagpositibo sa Indian variant ng COVID-19.

Ayon kay Health Usec. Ma. Rosario Vergeire ang nasabing pasyente ay isang 63 anyos na lalaki na ang kasalukuyang address ay sa Parañaque.

Ang nasabing pasyente ay mayroon rin aniyang Hypertension.

Ang nasabing crew ay kabilang sa apat na nagpositibo sa Indian variant na mula sa MV Athens Bridge na na-admit sa Ospital sa Metro Manila.

Iniulat naman ni Vergeire na nakarekober na at nagpapagaling ang tatlong iba pang na-confine na crew.

Matatandaang siyam na seafarer ng MV Athens Bridge ang unang nadetect na may Indian variant.

Ang lima pa sa kanila ay kinailangang ilagay sa isolation facility at ngayon ay magaling na rin.

Madz Moratillo

Please follow and like us: