Isang truck at AUV, nagsalpukan sa Quirino highway, Novaliches

 

Wasaka ng parehong harapan ng truck at AUV matapos magsalpukan sa Quirino Highway, Barangay Nova proper, Novaliches, Quezon City kaninang madaling araw.

Ayon sa mga bystanders sa lugar, mabilis umano ang takbo ng AUV at bigla na lamang nitong pilit na inokupa ang kabilang linya.

Nag-away pa umano ang truck driver at AUV driver nang mangyari ang insidente.

Ayon sa truck driver, nagpupumilit pa umano ang AUV na daanan ang kabilang linya at pagkaliko nito sa bahagi na patungo na ng Bagbag, Novaliches area ay nagtuluy-tuloy na umano ito hanggang sumalpok.

Depensa naman ng AUV driver, nabigla na lamang siya nang may truck na sumulpot sa kaniyang harapan kaya hindi na niya na-kontrol ang sasakyan.

Wala namang nasaktan sa nasabing insidente ngunit nagdulot naman ito ng bahagyang pagbigat sa daloy ng trapiko sa lugar.

Ayonkay PO1 Romar Grafil ng QCPD Traffic sector 2, lasing ang AUV driver at aminado naman aniya ito sa kaniyang maling nagawa.

 

Samantala, nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting to damage to property ang AUV driver.

 

Ulat ni Earlo Bringas

 

=== end ===

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *