101 Olive Ridley Turtle, pinakawalan sa baybaying- dagat ng Bataan

Umaabot sa 101 Olive Ridley Turle o mga Baby pawikan ang pinakawalan ng mga Barangay official ng Barangay Townsite sa baybaying dagat sa Mariveles, Bataan.

Sinabi ni Barangay Captain Carmelita Adame, na malimit umahon sa buhanginan sa baybaying dagat ang mga pawikan upang mangitlog sa ganitong panahon na tumatagal hanggang Pebrero.

Inililipat naman nila ito sa hachery hanggang sa mapisa at saka pakakawalan sa baybaying dagat.

Sinabi naman ni Kagawad Jhun Francisco, na nakikilahok ang kanilang barangay sa taunang pawikan festival upang ipakita ang suporta at pangangalaga sa mga pawikan na itinuturing na endangerrd spicies at nanganganib nang maubos ang lahi ng mga ito kung hindi mapoproteksiyunan.

Kabilang din si Mayor’s office staff George Imperial Menro at ilang mga residente sa baybaying dagat, sa tumulong para pakawalan ang mga baby pawikan.

Ulat ni Larry Biscocho

Please follow and like us: