Israel Embassy nakikiramay din sa pamilya ng mga biktima sa Sulu plane crash

Ikinalungkot ng Embahada ng Israel sa Pilipinas ang pagbagsak ng military plane sa Patikul, Sulu na ikinamatay ng 50 sundalo at sibilyan.

Sa statement ng Israel Embassy, ipinaabot nito ang kanilang pakikiramay sa mga Pilipino at pamilya ng mga biktima ng trahedya.

Anila bilang tunay na kaibigan ng Pilipinas ay ipinagdadalamhati ng Israel ang pangyayari.

Umaasa ang embahada na malalagpasan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at ng mga nawalan ng mahal sa buhay ang insidente.

Hiling din ng Israel Embassy ang mabilis na paggaling ng lahat ng nasugatan sa trahedya.

Moira Encina

Please follow and like us: