Italian fugitive, arestado ng Bureau of Immigration sa Pampanga

Arestado ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang isang Italian national na wanted sa kanyang bansa at nagtatago sa Pilipinas.

Kinilala ng BI ang suspek na si Ivaldi Antonello, 51 anyos, na nahuli sa Field Office ng Bureau of Immigration sa Angeles, Pampanga habang nagtatangkang mai-extend ang kanyang tourist visa.

Dito nadiskubre na si Antonello ay nasa watchlist pala at pugante sa batas. Sa datos ng BI, si Antonello ay dumating sa bansa noong 2019 gamit ang tourist visa.

Ang nasabing dayuhan ay nahaharap sa mga kasong Aggravated Rape at Sexual Assault against Minor sa Italya.

Si Antonello ay ililipat naman sa BI Warden Facility sa Bicutan, Taguig sa oras na lumabas na ang swab test rito at mag negatibo sya sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: